Resilience, Romansa, ang Gilas, at ang Azkals

Kakagaling ko lang sa isang business conference kung saan ang tema ay, “Building Resilient Communities”. Doon sa conference na iyon, tinalakay ng mga lider ng business, gobyerno, at ng mga NGOs kung ano nga ba ang mga kinakailangan para maging resilient ang isang pamayanan—yung tipong madaling mag-bounce back matapos ang isang pangyayari gaya ng cyclone sa Myanmar, earthquake sa Indonesia, at ni Yolanda sa Pilipinas.

Sa isang bahagi ng conference na iyon, pinagdebatihan ng mga participant kung ang pagbuo ba ng resilient communities ay para sa economic development higit sa lahat.

Sabi ng isang panig, oo naman. Economic development ang enabler ng mga tao. Mas madali silang makakaahon mula sa pinsala, dahil may pera at resources sila. Sabi rin nila, kung mas economically developed ang isang community to begin with, hindi sintindi ang epekto sa kanila ng isang disaster.

Sagot naman ng isang panig, oo, importante ang economic development, pero hindi yun ang dahilan kung bakit bumubuo tayo ng resilient communities. Sabi nila, ang resilience ng isang pamayanan ay dahil kailangan upang pagtibayin ang social fabric—o what keeps the people together, ika nga. Sabi rin nila, ang resilience ay hindi dahil maraming resources ang isang pamayanan—sila ay resilient dahil may pinanghuhugutang lakas mula sa loob.

Esoteric mang pakinggan, pero pag inisip mo siya sa experience ng mga Pinoy, totoo nga naman. Kahit i-apply mo pa yan sa Gilas at sa Azkals, totoo pa rin.

***

Maraming nagsasabi na dapat tigilan na natin ang lofty ambitions natin sa basketball. Nga naman, higit isang ulo ang lamang ng mga kalaban sa height pa lang. Sa liit nating ito, disadvantaged agad tayo.

Pero ang simplistic lang kasi ng reasoning eh. Nasa kultura at diwa natin ang basketball. Di lang yan dahil kasama siya sa PE classes simula grade school pa lang o dahil ipinapalabas ang NBA, PBA, UAAP, at kahit Eurobasket na rin ngayon sa TV. Yung love affair natin sa basketball, andiyan na, nineteen-forgotten pa. At kung bawat kanto nga ay may makeshift board at halos lahat ng mga Pinoy ay nakapagpamalas ng basketball moves with Air Tsinelas—alam mong hindi sapat yung height argument kung bakit huwag na lang pagpilitan ang basketball.

Masakit panoorin yung apat na laro ng Gilas na yun sa Sevilla. Sabihin n’yo nang kulang sa endgame composure at kung anu-ano pang pwedeng imura, iba pa rin yung ipinamalas na puso eh. Yun yung nagpapaasa sa atin na mananalo tayo—at huli man na upang makapunta sa knockout rounds sa Madrid, hindi mo mamalitiin yung tagumpay laban sa Senegal.

Sa wakas, lahat nung paghihirap at pag-aasa nauwi din sa isang panalo.

Resilient, diba? Dig deep kung sa dig deep. Literal na blood, sweat, and tears ang ibinuhos. Takeaway natin diyan: kaya nating makipagsabayan on the world stage.

***

Eh sa football naman?

Tinopak ako at bumili ng tickets para manood ng Juventus vs. Singapore Selection ilang linggo lang nakakaraan. Sabi ko, ito na ang pagkakataon ko para makita ang genius ni Andrea Pirlo at ang kagwapuhan ni Claudio Marchisio.

Pero hindi ito tungkol dun sa mga Italyano—kahit na, oo, ang galing nila at pinaglaruan lang nila ang Singapore sa score na 5-0.

Tungkol ito dun sa Singapore Sports Hub, yung bagong stadium ng Singapore. Sobrang bongga lang eh. Ang linis. Ang laki. 55,000 o higit pa ang seats. May retractable roof, para kung may delubyo man, tuloy pa rin ang laro. Andaming kiosks ng pagkain—from hotdogs to curry puffs to noodles. Ang linis ng banyo. Yung locker rooms, maikukumpara sa locker rooms ng mga European clubs.

Naisip ko, ang swerte ng iba nating regional counterparts sa football. State-of-the-art ang facilities. Eh sa Rizal Memorial Stadium? Kahit artificial na yung turf, waterlogged pa rin. Dati, itinigil din sila ng game sa lakas ng ulan. Siyempre yung mga maintenance boys, naglabas ng drum, timba, walis, at dustpan para i-scoop out yung tubig. Bongga, diba?

Kung inisip mo yung facilities na available para sa Azkals, walang incentive eh. Talagang para sa bayan yung laro. Sakripisyo pa yan ng jet lag para sa iba. Pero pag tiningnan mo naman sila tuwing ipapatugtog yung Lupang Hinirang, either kinakanta nila yung mga salita o di kaya’y nakapikit ang mata upang maramdaman ang ibig-sabihin ng national anthem.

Kung ikukumpara sa basketball, hindi naman talaga ganun katagal ang love affair natin with football. Wala pa ngang apat na tayon—kung sa isang relationship yan, medyo tanggap mo na kung ano yung mga pagkukulang at mga quirks, pero may gana pa rin yang mangromansa, kasi di pa nagsasawa.

Parang Azkals din yan. Madaming instances na mahuhulog talaga loob mo sa kanila, tapos babalik sa long balls ang laro o tipong may ayaw na naming magpasa ng bola. Frustrating din dahil kulang sa silverware. Sige, may dalawang Peace Cups tayo, pero ano ba naman ang bigat nun. Eh ito ngang sa huli, dapat ikatlong Peace Cup na natin ito, nasungkit pa ng Myanmar.

Reslient din naman sila. Sa apat na taon, naipakilala nila tayo sa football—kahit hindi man ito jogo bonito o tiki-taka, iba pa rin yung nakikita mong hindi sila bumibitaw sa laro, kahit pagod na pagod na sa kakatakbo at kakasemplang sa loob ng 90 minuto.

Kahit yung tatay ko na dati rati’y hindi makaupo sa isang buong football match sa TV dahil wala naman daw nakaka-score, ngayon, mas malakas pa ang sigaw sa akin kada daplis o saved shot ng Azkals.

Naisip ko nga, matapos tayong talunin ng Myanmar, hindi pa rin natin natatalo si Raddy Avramovic (masakit pa rin yung pagkatalo natin sa Singapore nung 2012 Suzuki Cup) at, oo, runners-up na naman tayo sa ikalawang tournament sa taong ito sa ilalim ni Thomas Dooley.

Pero pag inisip mo naman na dati ay whipping boys tayo sa Asya, ngayon umaasa na tayong manalo ng regional tournaments. Resilience din naman yun. Sana lang nga, manalo na sa Suzuki Cup sa pagtatapos ng taong ito.

***

Balik tayo dun sa business conference. Sabi ni Jose Ramos Horta, ang Nobel Peace Prize laureate at dating pangulo ng Timor-Leste, “Resilience stems from adversity.” Sanay na tayo to be at a disadvantage, pero mayroon ding mga pagkakatoon na we surprise ourselves and exceed our expectations.

Ang maganda dun, nowhere to go but up ang direksyon natin, basketball o football pa man yan.

Advertisements

2 comments

  1. I was so happy to see the stadium nearly filled with Filipino fans routing for the Azkals. Our football program has come a long way and really, there’s no way to go but up. I appreciate being at a disadvantage because it makes us more focused and work harder at everything we do. And because we’re always overlooked, we always have that quiet confidence, that humble swagger coming into matches. That’s not even mentioning about heart that stems from being resilient.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s